Lyrics

Sirena

Gloc-9 ft. Ebe Dancel

Filipino 18K August 14, 2012
Sirena Lyrics by Gloc-9 ft. Ebe Dancel. The track was released on August 14, 2012. The music is produced by Jay Durias, while written by Ebe Dancel, and Gloc-9.

Sirena Lyrics

[Chorus: Ebe Dancel]
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Verse 1: Gloc-9]
Simula pa nang bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito
Magaling sa chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang-pula
Sa bubble gum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?"
Habang kumekembot ang bewang, mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa
Sa t'wing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal parang pilikmatang kulot

[Chorus: Ebe Dancel]
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Verse 2: Gloc-9]
Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema niyo?
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala
Kahit 'di pumasok ang bola, ako'y tuwang-tuwa
Kahit kinalyo na sa tapang kasi gano'n na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
"Tama na naman, itay, 'di na po ako pasaway
'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay"
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

[Chorus: Ebe Dancel]
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Verse 3: Gloc-9]
Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita
"Kakain na po, itay, nakahanda na'ng lamesita"
Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang
Ngayo'y buto't balat ang dating matipunong katawan
"Kaya sa'yong kaarawan, susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, 'wag na po nating balikan"
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit
Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
"Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa"
'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla

[Outro: Ebe Dancel]
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba

Submitted by  Rollteam

Last Update: July 31, 2023

**Sirena by Gloc-9 songtext is informational and provided for educational purposes only. No representation or warranty is given as to their content. The user assumes all risks of use. LyricsRolls takes no responsibility for any loss or damage caused by such use. All content and videos related to "Sirena" Song are the property and copyright of their owners.

FAQs & Knowledge

Who is the singer of the song "Sirena"?

The song "Sirena" is sung by Gloc-9 ft. Ebe Dancel.

Who wrote "Sirena" by Gloc-9?

"Sirena" by Gloc-9 was written by Ebe Dancel & Gloc-9.

Who produced "Sirena" by Gloc-9?

"Sirena" by Gloc-9 was produced by Jay Durias.

When was the song "Sirena" released?

The song "Sirena" was released on August 14, 2012.